Thursday, September 04, 2008

Tagged: Anong tawag mo sa akin

Rule: List all the names
you were called by and the people who call you that. Tag at least 10 members of your contacts and give a comment on their site for them to know they've been tagged.

1. Mel - Ito ang tawag sa akin mula pa noong bata ako. Mula sa mga magulang, kamag-anak, kapitbahay, kamag-aral at kung sinu-sino pa. Ito ang ginagamit ni Delbert na tawag sa akin sa tuwing kasama ko ang asawa ko nung college para sabay kaming lumingon (Melay kasi nickname kaya pwede ring Mel) =P.

2. Joemelle - Ito ang tawag sa akin ng mga tao na ang karamihan ay nakakatanda sa akin. Ito rin ang ginagamit ko mga pormal na mga pagkakataon tulad ng pagpapakilala at meeting.

3. Joemz - Nagsimula ang pangalang ito nung high school ako. Pero hindi pa 'to ganun kadalas na tinatawag sa akin. Mas naging common ito nung ako'y tumuntong sa kolehiyo. At hanggang ngayon ay ito na rin ang ginagamit ko na palayaw kahit mas gusto ko pa rin ang Mel =P.

4. Bacs/Bacus - Nauso tong tawag sa akin nung elementary.

5. Tagalog - Ito ang tawag ng mga hindi nakakakilala sa akin sa elementary nung lumipat kami sa Digos City, Davao del Sur. Ako lang kasi yata ang tagalog nun sa school.

6. Let/Kulet - Tawag sa akin minsan ng mama ko. Ang kulit ko daw kasi mula pa noong bata ako.

7. Dong - Tawagan namin ni Rhenus at Ken Bryan.

8. Panget - Tawagan din namin minsan nila Rhenus at Ken Bryan.

9. Babes - Unang tawagan namin ng asawa ko nung bago pa lang kami na mag-syota. =)

10. Bes - Tawag sa akin ng asawa ko nung narealize niyang ang corny ng babes. haha! =)

11. Baby - Tawagan namin ng asawa ko lalo na kapag naglalambing.

12. Ellemeoj - Tawag sa akin ni Ma. Rosa Karmela Busmeon, classmate ko nung elementary.

13. Mr. Bacus - Tawag sa akin ni Kars minsan.

14. Dad/Daddy - Tawag sa akin ng asawa ko ngayon.

Tagging: Melay, Jeff, Deng, Kathy, Katuts, Lemuel, Bele, at iba pa.. hehehe

1 comment:

mmBacus said...

may nakalimutan ka, "Beh"

nakalimutan mo rin, ang "Daddy", tawag din ni Myles sayo. don't forget na nakakapagsalita na yun. hehe