Wednesday, January 13, 2010

Kompyuter

Minsan lang ako magpost ng ganito. Corny pero ewan ko ba kung bakit gusto ko pang i-post.

Bigla ko lang narealize, as in ngayon lang, kung gaano kahalaga ang papel ng kompyuter sa buhay ko. Una na rito ang pagbibigay sa akin ng galak at ligaya noong kami'y bagong lipat pa lamang sa Digos galing ng Maynila. Bilang nag-iisang anak sa pamilya, tanging kalaro ko lamang ay si Mama at ang mga karakter sa mga video games. Natatandaan ko pa sa tuwing pagtapos ng parade namin (drummer kasi ako noon sa drum & lyre band sa elementarya), ay didiretso kaagad kami ng best friend ko sa bahay ng kaklase para maglaro ng playstation.

Dahil sa pagkahilig ko sa kompyuter, napagpasyahan kong kumuha ng kurso ng ukol dito, at iyon ay ang Agham ng Kompyuter este Computer Science, na kung saan ay napukaw ang puso't isipan ko na mag-aral pa lalo ng mabuti.

Hindi lamang dito nagtatapos ang magandang naidulot sa akin ng kompyuter. Kung hindi dahil sa pagpili ko ng kurso na 'to, ay hindi ko makikilala ang babaeng kabiyak ng buhay ko.

Kaya nagpapasalamat ako kay Blaise Pascal, Grace Murray Hopper, Dennis Ritchie, James Gosling, Anders Hejlsberg, Tim Berners Lee, William Henry Gates III at Sony sa kanilang mga naibahagi sa pag-usad ng teknolohiya ng kompyuter, video games at wika sa pagprogram.